Emilio Jacinto: Ang Pag-ibig

Posted: April 8, 2013 in Uncategorized

 

Mga Tauhan:
1. Emilio Jacinto – 24 years old (dob: December 15, 1875)
2. Josefa Dizon – ina ni Emilio Jacinto
3. Andres Bonifacio – 36 years old (dob: November 30, 1863) – JOJO CUI
4. Francisco & Thomas – mga kapwa estudyante sa mababang paaralan ng ferrer ni Jacinto
5. Juan – kamag-aral ni Jacinto sa kolehiyo
6. Ladislao Diwa
7. Valentine
8. Teodoro
9. Jose (tiktik)
10 . Pio
11. Procopio
12. Ciriaco
13. Corazon at Tonio
14. Tandang Sora
15. Catalina de Jesus
16. Kalayaan (narrator)
17. Kastila – 2
18. Mga katipunero’t katipunera
*********************************************************************************
Salaysay: Pinatunayan ng mga Pilipino na higit silang magiting kaysa sa kanilang mga pinuno. Sinu-sinong pinuno na ang dumating, sinu-sinong pinuno na ang naglaho, subalit patuloy ang mga Pilipino sa pagtahak sa anumang landas na itinakda ng kapalaran.
Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875. May kaya nang kaunti ang mga magulang ni Emilio Jacinto, ang kanyang ama na si Mariano Jacinto ay tatag asng hanap-buhay bilang tenedor de libro (bookkeeper) sa isang bahay kalakal sa Binondo, malapit sa kanilang bahay sa Trozo, Tundo, Manila.Nakatulong din ang hanap-buhay ng ina na si Josefa Dizon bilang komadrona. Mula sa mayaman at kilalang angkan ang ina ni Emilio, kaya’t bata pa lamang siya ay tinuruan na sya sa edad na anum na taon natuto na sya ng pangkaraniwang Español. Dinaan sa paulit-ulit na pagsaulo na karaniwang paraaan ng pag-aaral nuong panahaong iyon. Matatas din sya sa Tagalog na wika ng kanyang mga magulang.
Nang namatay ang kanyang ama, agad naghrap ang mag-anak. Bahagya lamang nakayanan ng ina na nag-iisang naghahanap buhay. Ang damit nila ay mga lumang baro na tinubos ng mura ng ina sa bahay sanglaan. Nang magsimulang pumasok si Emilio sa paaralan ni Maestro Pascual Ferrer, lagi syang tinutukso ng mga kamag-aral dahil sa pagkakadukha ng kanyang suot.

Unang Tagpo. Int. Araw. (Naglalakad si Emilio sa corridor papasok sa eskwela, nang mabangga ng mga estudyante).

Emilio: (nalaglag ang mga libro).
Francisco: Ano ba? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? (Galit na galit)
Emilio: (Pupulutin ang mga libro, haharap kay Francisco) Pasensya na!
Thomas: Huwag ka kasing humaharang sa daan! Ang panget mo! Hindi ka bagay dito! Tingnan mo nga yang suot mo! Ano ba yang sinturon mo? Laylayan ng saya ng nanay mo yan huh? (at tatawa).
Francisco: At yang sintas ng sapatos mo? Di ba basahan yan? Ha! Hahahahah!
Thomas: Ang hirap niyo naman! Pambili ng sinturon at sintas wala! Hahaha
Emilio: (aalis sana)
Thomas: Oy san ka pupunta? (hahawakan sa balikat si Emilio)
Emilio: Wag mo akong hawakan! (sabay alis ng kamay ni Thomas)
Thomas: Isa ka talagang hambog! Mayabang! Hwag kang magmalaki at magmataas, isa ka lamang dukha!!
Emilio: Oo! Tama ka! Ako nga’y isang dukha, dukha na inyong minamaliit, kinukutya, at inaalipusta, subalit ako’y marunong kumilala sa aking kapwa hindi kasalanan ang maging mahirap! Ang kasalanan ay ang pagpapahirap sa alam mong mahirap na! Dukha man ako sa iyong paningin ngunit ako’y isang dukhang umiibig sa iyo! Sa kanya! Sa aking kapwa! at sa aking bayan! Ako na isang mahirap ngunit puno ng pag-ibig! At ikaw na marangya subalit kulang sa pagmamahal, sino ngayon sa atin ang dukha? (at aalis na nakataas ang noo)
Salaysay: Nang makatapos si Emilio sa mababang paaralan ni Ferrer, matatag na ang kanyang pagkatao. Tahimik ngunit walang takot na lumaban, dahil sa hikahos, napilitan si Emilio na ilipat ng kanyang ina sa poder ng kanyang tiyuhin na si Jose Dizon upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa tustos ng tiyuhin nakatapos dahil si Emilio ng bachelor of arts sa San Juan de Letran, matapos ng araw-araw na pangungutya at libak ng mga mayayamang mga kamag-aral dahil sa kanyang pagkadalita. Pumasok naman sya sa universidad de Santo Tomas upang mag-aral ng pagkaabogado.

Ikalawang Tagpo. (Nasa classroom si Emilio, habang nagbabasa ng libro at biglang dumating si Juan na may dala-dalang diyaryo)
Juan: Emilio! Emilio!
Emilio: Oh Juan! Anong problema?
Juan: (Uupo sa harapan ni Emilio) Nakita mo na ba ang pahayagang ito?? (Iaabot ang dyaryo kay Emilio).
Emilio: (Magbabasa) Tuluyan na ngang sinasakop ng mga Kastila ang ating bansa! Hindi makatarungan ang lahat ng ito!
Juan: Ngunit ano ang iyong magagawa Emilio? Mag-aaral ka lang!
Emilio: (Tatayo) Ano nga ba ang aking magagawa? Nais kong matigil na ang ginagawang pananakop ng mga Kastila sa ating bayan. Nais kong matigil na ang mga kahayupang ginagawa nila sa ating mga Pilipino, nais kong maging malaya na ang Pilipinas (galit)ako’y nakahanda kung sakaling magkaroon ng himagsikan! Ikaw Juan nakahanda ka ba para sa iyong bayan (titingin kay Juan).
Salaysay: Noong Hulyo 7, 1892 dinakip si Jose Rizal at ipinatapon ng mga Espanyol sa Dapitan, Mindanao. Noong gabi ng araw ring iyon ay sinimulan ni Andres Bonifacio ang kanyang himagsikan sa bahay ni Deodato Arellano. Sa kalye Azcarraga sa kanto ng Ilaya sa Tundo.

Pangatlong Tagpo: Kasama ang iba pang katipunero
Andres: Nakarating na ang balita nang pagkakadakip kay Rizal ipinatapon na sya sa Dapitan. Alam nating lahat na malulupit ang mga Espanyol. Hindi nila hahayaang maisawalang sala si Rizal, gagawa sila ng hakbang upang maipapatay ito. Hindi maaring mangyari ang ating naiisip! Hindi maghari-harian ang mga Kastila sa ating bayan! HIndi ko hahayaan mangyari ang lahat ng ito! Mga mahal kong kababayan papayag ba kayong alipinin tayo ng mga dayuhan sa ating sariling bayan?
Ladislao: Hindi ako papayag! Atin ang bansang ito (sigaw)
Valentin: Hindi rin ako papayag! Dapat nang tuldukan ang pang-aalipin ng mga Kastila sa ating mga Pilipino!
Teodoro: Huwag tayong matakot lumaban tayo!
Andres: Kung ganon sa inyong harapan itinatayo ko ang himagsikan! Itinatayo ko ang “Kataastasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” Mabuhay ang katipunan.
Mga katipunero: Mabuhay! Mabuhay!

Salayasay: Sumunod na taon 1893 nagkakilala sina Bonifacio at Jacinto na kapwa naghahanapbuhay sa isang bahay kalakal, noong 1894 sumapi sa katipunan ang binatang nag-aaral ng abogasya sa Santo Tomas na si Emilio Jacinto kasama ang isa pang kawani na si Pio Valenzuela na nag-aaral naman ng medisina. Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto kaya hinirang niya itong kalihim at piskal ng katipunan.

Ikaapat na Tagpo. Nagsusulat si Emilio nang dumating ang kanyang ina.
Josefa: Mabuti naririto ka Emilio, nais kitang makausap.
Emilio: May nais din akong sabihin sa iyo ina.
Josefa: (Uupo). Ano ang iyong sasabihin anak?
Emilio: Ako po ay kasapi sa isang himagsikan. Ako po ay isang katipunero.
Josefa: Mahabaging Diyos! Ano ang iyong naisipan anak, mapanganib ang iyong pinasukan! Mapapahamak ka! (Nag-aalala)
Emilio: Ang mamatay para sa bayan ay napakalaking karangalan para sa akin ina. Mahal ko ang aking bayan.
Josefa: Ngunit Emilio ano ang iyong lakas?
Emilio: Hindi man ako malakas sa pakikidigma ina, ako ay may talino at ito ang gagamitin kong lakas. Ang lakas nating mga Pilipino! Nais ko rin sanang huminto sa aking pag-aaral!
Josefa: Hindi maari Emilio! Edukasyon lamang ang maipapamana ko sa iyo.
Emilio: Ina! Nais kong ibuhos ang aking panahon sa pagpapalawak ng himagsikan. Nais ko nang ibayong pag-iisip.
Josefa: Paano ang iyong kinabukasan?
Emilio: Ang kinabukasan ko ay ang bayan ko! Anong halaga ng aking pinag-aaralan kung nakikita kong unti-unting pinahihirapan ang bayan ko? Huwag kang mabahala aking ina (Hahawakan ang mga kamay ng ina). Ang lahat ng ito ay para sa ating bayan. Para sa ating kalayaan!
Josefa: Labag man sa aking kalooban ngunit wala akong magagawa kung iyan ang iyong nais. Ngayon pa lamang ikinararangal na kita anak! Tunay na malakas ang iyong loob at buo ang iyong paninindigan! Mag-iingat ka parati anak (yayakapin ang anak).

Salaysay: Sinulat ni Emilio ang sumpa ng mga sumanib sa katipunan at ang kartilya na dapat sundin ng bawat katipunero. Katulong ni Bonifacio at Valenzuela, sinulat, pinatnugot at nilimbag nila ang ” Kalayaan,” ang pahayagan ng himagsikan. Si Jacinto rin ang nangasiwa ng paggawa ng pulbura at bala ng baril, siya rin ang pinuno ng mga tiktik ng katipunan. Kasama si Jacinto noong Abril 12, 1895 nang naghanap sina Bonifacio ng mga taguan sa paligid ng Maynila. Natuklasan nila ang mga yungib ng Makarok at Pamitinan. Maraming mga taga-Morong ang sumanib sa kanila, hinimok ni Candido Tirona na palawakin din ang katipunan sa Cavite. Noong 1896 kasama si Jacinto na humanap at tumanggap ng mga kasapi sa himagsikan sa Cavite. Pagkaraan ng ilang buwan tumanggap sila ng babala mula sa mga tiktik ng katipunan na nabunyag na ang katipunan.

Ikalimang Tagpo. Int. ng bahay sina Bonifacio at Jacinto at mga katipunero. Dumating si Jose.
Jose: Andres! Emilio (hingal na hingal)
Andres: Anong nangyari Jose?
Jose: Nabunyag na ang katipunan, anumang mga sandali ay maari kayong dakpin ng mga Espanyol. Tumakas na kayo!
Emilio: (kukuha ng mga gamit). Ano pa ang ating hinihintay? Tayo nang magmadali, baka tayo maabutan.
Andres: Maraming salamat sa yong babala Jose.

Salaysay: Agad silang tumakas at nanawagan si Bonifacio sa lahat ng katipunero ng Maynila na magpunta sa Balintawak, bahagi ngayon ng Caloocan na noon ay bukid at gubat ang buong paligid ng Maynila at ligtas sa matyag ng mga Espanyol, muli silang nakapagtipon sa bakuran ni Juan Ramos na anak ni Tandang Sora. napagkaisahan nila na muling sisimulan ang himagsikan pagkatapos ng isang linggo upang bigyan ng sapat na babala at panahon maghanda ang mga katipunero sa mga lalawigan.
Ikaanim na tagpo;
Andres: Mga kababayan ko! kaylan man ay hindi tayo magpapaalipin sa mga español
Emillio: Sabay sabay nating punitin ang ating mga cedula, patunay na hindi tayo kaylan man papailalim sa mga español!
Andres: Mabuhay ang Katipunan!
Mga Katipunero: Mabuhay!
Emilio: Kalayaan!

Mga Katipunero: Kalayaan!

Salaysay: Kinabukasan lumipat sila sa bahay ni Tandang Sora upang hindi mapansinng mga taga-Balintawak.
Ikapitong tagpo;
Tnadang Sora: Dumito muna kayo sa aking tahanan! Magmadali at baka may makakita sa inyo! Magsipasok na kayo!
Andres: Maraming salamat aling Sora!
Tandang Sora: Anu pat naging magkababayan tayo Andres? Sino bang magtutulungan, hindi bat tayo-tayo din? Hala sige na! Magsipagpahinga na kayo, ng may lakas kayo! Ako naman ay magluluto ng inyong makakain!

Salaysay: Dahilan sa pagod nahimbing ang mga katipunero, ipinagpahinga nila ang kanilang mga sarili, ng sumunod na araw, lumusob ang mga pangkat ng mga español!

Ikawalong tagpo: Masayang nagkwekwetuhan ang mga katipunero
Tandang Sora: Andres, Emilio! Parating ang mga kastila magsitakas na kayo! dalian nyu!
Andres: Lalaban kami aling Sora! haharapin namin sila!
Pio: Ngunit, wala tayong mga armas Andres! Tanging mga itak lamang ang ating sandata.
Emilio: Umalis na tayo Andres! hindi ito ang tamang panahon.
Andres: Muli, maraming salamat aling Sora. (Tatango kay Jacinto)
(Lalabas ng bahay at makikitang paparating ang mga español at magsisipagtakbuhan)

Salaysay: Patuloy na umurong ang mga katipunero hanggang sa Marikina. Agusto 29, 1896 hinayag ni Bonifacio ang himagsikan laban sa mga español.

Ikasyam na tagpo:

Andres: Ito na ang tamang panahon upang tayo ay lumaban ng walang takot, walang pangamba at walang pagaalinlangan, buo ang loob at matibay na paninindigan! Ipaglaban ang naapi, Ipaglaban ang bayan! Para sa kalayaan!
Mga Katipunero: Ipaglaban ang kalayaan!
Andres: Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Himagsikan! Mabuhay ang Katipunan!
Mga Katipunero: Mabuhay!
Andres: (lalapit kay Jacinto) Ano ang dapat nating gawin ngayon?
Emilio: (uupo) Ano ba ang nais mo Andres?
Andres: Ang lusubin ang español sa Maynila.
Emilio: Paano natin magagawa ang paglusob kung hindi sapat ang ating mga kagamitan? Tanging mga itak lamang ang meron tayo!
Andres: Kung ganon! Ano ang naiisip mong nararapat nating gawin?
Emilio: Lusubin muna natin ang mga sundalo nagbabantay sa El-Deposito! Kunin natin ang kanilang mga armas at sandata, ang mga sundalong iyon ay masisipag umurong, magagapi natin sila!
Andres: Kung yan ang sa tingin mo’y dapat gawin! Bakit hindi? Matalino ka at matapat sa samahang ito, nasa iyo ang aking pagtitiwala.

Salaysay: Kinabukasan, Agusto 30, 1896 pinamunuan nilang dalawa ang 800 katipunerong sumalakay sa 100 na sundalong masipag umurong at nag-kulong sa EL-Deposito, dala-dala ang mga sandatang kanilang nakuha, lumusob ang mga katipunero papuntang Maynila, subalit sa Kalookan pa lamang nakasalubong na nila ang hukbong español.

Ikasampung tagpo: Digmaan

Salaysay: Nakarating ang mga katipunero hanggang Mandaluyong, mahigit 150 ang napatay at 200 ang nahuli ng español. Marami ang binitay sa bagung bayan. Sumabog ang aklasan sa Maynila , sinakop nina Bonifacio ang San Mateo, subalit pagkaraan ng tatlong araw, sinalakay sila ng hukbong español, at silay napilitang tumakas. Hinirang ni Bonifacio si Jacinto bilang pinunong General ng mga katipunero sa Maynila at paligid sa Laguna, Bulacan at Nueva Ecija. Siya ang namahala ng mga abuloy na salapi, baril, at bala at iba pang sandata, pati mga pana at palaso. Naglimbag din sya ng kanyang mga makabayang tula at makabayang awit. Sa dami ng gawain at hirap na sunod-sunod na pagkatalo sa marami at mas malakas na hukbong español, nagkasakit si Jacinto.

Ikalabing isang tagpo: Nakahiga si Jacinto
Jacinto: (Uubo) Ano ba ang gawain natin Andres?
Andres: May pagpupulong ng mga katipunero sa Tejeros Cavite.
Jacinto: Gustohin ko mang sumama ngunit masama ang aking pakiramdam.
Andres: Magpagaling ka na lamang, Masyado mong pinapagod ang iyong sarili.
Jacinto: Baka kaylanganin mo ang aking tulong.
Andres: Kasama ko naman ang aking asawa, at narito ang aking mga kapatid. Sila ang mga katulong ko habang nagpapagaling ka.
Ciriaco: Sya nga naman Emilio, magpalakas ka na lamang.
Procopio: Kami ng bahala kay Andres.
Jacinto: Magiingat kayo Andres!

Andres: yun ang gagawin ko! Sya nga pala ipangako mo na hindi mo pababayaan ang pamumuno sa Laguna! Magpakatatag ka! Tibayan mo ang iyong loob!
Jacinto: Yan ang gagawin ko Andres! Ipinangangako ko!
Andres: (Tatapikin sa balikat si Jacinto) Maraming salamat sa iyo Jacinto, ikaw ang aking naging lakas, ikaw ang nagturo sakin ng mga bagay na hindi ko nalalaman, salamat at naging kaibigan kita.
Jacinto: Ikaw bay namamaalam na? Hahaha! Hindi pa ito ang tamang panahon Andres! Ako man din ay nagpapasalamat sa pagtitiwala mo sa akin! kung paano mo pinatatag ang iyong sarili ay ganun mo din ako pinatibay. Salamat kaibigan. (At nagkamayan sila ni Andres)
Andres: Oh, sya mauna na kami! Salamat!
Ciriaco: Paalam sa iyo!

Salaysay: Mayo 1897 lubhang naghinagpis si Jacinto ng malaman niyang ipinadakip at ipinapatay ni Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio at ang mga kapatid nito.

Ikalabing Dalawang tagpo: Umiiyak si Jacinto

Jocefa: (lalapitan ang anak) Anak!
Jacinto: Wala na siya ina, walana si Andres! wala na ang aking pinuno! wala na aking kapatid at kaibigan.
Josefa: (Yayakapin ang anak) Magpakatatag ka anak, tibayan mo ang iyong loob, hindi bat may pangako ka kay Andres, tuparin mo ang iyong ipinangako sa kanya.
Jacinto: Wala na ang aking kaibigan!

Salaysay: Dahil sa nawala ang minahal na pinuno, lubhang naghinagpis si Jacinto at tumanggi sa pamumuno ng katipunan na inangkin ni Aguinaldo. DInaraan na lamang nya sa tibay ng loob, ipinagpatuloy nya ang pamumuno sa Laguna laban sa mga español, gaya ng habilin sa kanya ni Bonifacio. Dahil sa dala ng kalungkutan, sinulat nya ang a la patria (para sa bayan)ito ang pinakabantog nyang tula ,binatay nya sa mi ultimo adios (my last farewell,aking huling paalam) ni jose rizal at nilagdaan nya sa kanyang balatkayo ,dimasilaw (no dealumbrado,unblinded)ito ang huling paalam ni jacinto.

ikalabing tatlong tagpo;
salaysay; noong pebrero 1898 kasama si jacinto sa pagsabak sa mga sandatahang español na boluntaryo sa barrio maimpis sa magdalena ,laguna.nabaril sya sa hita at kinaladkad sya sa simbahan ng ,magdalena. pagkalipat ng simbahan ng santacruz saka lamang ginamot ang kanyang sugat ng español.

ikalabing apat na tagpo;
kastila1; ikaw ba si emilio jacinto ? ang sinasabi nilang utak ng katipunan ?
Emilio; (titingin lamang sa mga kastila at hindi magsasalita)
kastila2; magsalita ka ! ikaw ba si emilio jacinto ?
Emilio; hindi ! ako si florentino reyes! ang pilipinong tiktik ninyong mga español !!
kastila1; sinungaling !! (sabay sampal kay emilio)
Emilio; nagsasabi ako ng totoo! hindi ako si emilio jacinto,hindi ako ang taong hinahanap ninyo ! ako si florentino reyes !!
kastila2; ano ang iyong katibayan ?? ipakita mo saakin !!
Emilio; (MAY KUKUNIN SA BULSA) ito ang aking permiso! (iaabot sa kastila)
kastila1; sya nga si florentino reyes !(tatango)
kastila2; nagsasabi nga sya ng totoo !!
kastila2; kung ganun ? maling tao ang nadakip natin !
kastila1; (uutusan ang ibang kastila) pakawalan ang lalaking ito! hanapin ang sinasabing utak ng katipunan ! dakipin !!

salaysay; mayo 1,1898 pinangunahan ni GEORGE DEWEY ang hukbong dagat ng amerika at dinurog ang sandatahang español sa manila bay,sumuko ang mga español sa intramuros at natapos ang mahigit 300 taon na pananakop sa pilipinas.

salaysay; sumulat si jacinto kay apolinario mabini na nais nyang ipagpatuloy ang pag aaral ng abogasya, pinayuhan sya nito na magpalista bago mag disyembre 1, 1898./ subalit hindi natuloy si jacinto, bumalik na lamang sya sa laguna sa hiling ng mga katipunero na pamunuan ang inaasahang digmaan laban sa pagsakop ng america sa pilipinas.

ikalabing-limang tagpo:
Corazon: maligayang pagbabalik emilio!
Jacinto: maraming salamat!
Tonio: maraming salamant at hindi mo kami binigo?
Jacinto: ako ay may pangako kay andres! hindi ko kayo tatalikuran anomang ang mangyari, kayo ang aking lakas at ang aking bayan! mahal ko ang aking bayan, hanggang sa aking kamatayan!
Tonio: Kung ganon! mabuhay ka jacinto. Mabuhay!

Salaysay: Sumabog ang digmaan noong Peobrero 1899, at namahala si jacinto mula sa himpilan niya sa mga bundok ng majayjay duon sya nagkasakit ng malaria mahina na ang katawan dahil sa mga sugat, hirap at mga sakit na dinanas sa nakaraan.

ikalabing-anim na tagpo:
Emilio: (Nakahiga) Catalina mahal ko! halika dito sa aking tabi!
Catalina: (Tatabi kay Jacinto) ano ang maipaglilingkod ko sayo mahal ko?
Emilio: (hahawakan ang kamay ni Catalina) wala naman, nais ko lamang hawakan ng mahigpit ang iyong kamay nais kong titigan ng matagal ang iyong maamo at magandang mukha! alam kong hindi na magtatagal ang aking buhay Catalina!
Catalina: Huwag kang magsalita ng ganyan Emlio!
Emilio: Dapat na natin asahan ang aking pagkawala , ako naman ay maligayang aalis sa mundong ito, nagawa ko na ang aking dapat gawin!
Catalina: Ikinararangal kita Emilio, tunay na ipinakita mo ang iyong tapang at dunong! ipinakita mo ang labis mong pagmamahal sa ating bayan!
Emilio: At iyon ang ituturo mo sa ating magiging anak! (Hahawakan ang tyan ni Catalina)
Catalina: Pangako Emilio, mgiging tulad mo sya!

Emilio: Mahal na mhal kita Catalina!

Catalina: Mahal na mahal din kita Emilio! (Yayakapin ang asawa)
Emilio: Magpakatatag ka Catalina! Tibayan mo ang iyong kalooban!
Catalina: Pangako Emilio!
Emilio: (At ipipikit na ang mata)
Catalina: Emilio! Emilio! Mahal ko! (At iiyak at yayakapin si Emilio)

Salaysay: Pumanaw si Jacinto noong Abril 16, 1899 sa gulang na 24.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s