Archive for the ‘Tagalog’ Category

Travel The World For Free.

Advertisements

karukhaan

Posted: September 23, 2010 in Tagalog

wala
silat
salat

lagay ng mga taong dukha
wala sila’t salat
sa karunungan
ay di mulat, warat
niratrat, balatbat
sa buhay ay malayo
ang agwat, masisipat
butil ng pawis ay kay alat

wala
di makita
dinamdam
ang
mata’y luwa
manhid – balat
buto – nakabakat
habol hininga

lakas di sapat
kamalaya’y di maungkat, salat
ngunit damdami’y nagpupuyos

mga taong naghihikahos